Archive for March 29th, 2012

Ang Elevator Papunta sa Langit

Thursday, March 29th, 2012

Ang Elevator Papunta sa Langit
ni Jess Guim


Abril 2006. Sumailalim ako sa masilang ERCP (endoscopic retrograde cholangiopancreatography), nang ako’y atakihin ng sakit sa gall bladder. Sanhi ito ng malimit kong pagkain ng karning baka at pagkaing may mantika. Nadagdagan pa ito ng kakulangan sa tubig na iniinom ko pakatapos kumain ng mga pagkaing ito. Ang mantika ay nagtipun-tipon sa loob ng aking gall bladder, hanggang hindi na ito gumana. Kaya’t kinakilangang alisin ang mga ito, sa pamamagitan ng tubong papasok sa aking sistema. Ang dulo nitong maliit na tubo ay may kakayahang pumasok sa aking gall bladder. Salamat sa makabagong teknolohiya nito, hindi na kailangang alisin ang aking gall bladder sa pamamagitan ng operasyon. Sa halip, ay lilinisin lang nitong robotic hand, na may maliit ding kamera, ang aking gall stone.


Fly Roundtrip for $199 or Less on CheapOair
Natapos ang paglusaw at paglilinis sa mga mantikang naka-kulapol sa loob ng aking gall bladder. Subalit, sa kasamaang palad, may kaunting gasgas o sugat sa tubong dinaanan ng robotic hand na pumasok sa aking sistema. Kaya’t nagkaroon ito ng panloob na pagdudugo na hindi alam ng mga Doktor. Sa ikatlong araw na aking pamamahinga sa prosesong-ERCP, ay parang humihina ako sa halip na manumbalik ang lakas ng katawan. Nang basahin ng Nurse ang pulso ko at dugo, nagulat ito nang mapansin niyang halos hindi na pumipintig ang aking pulso, dahil sa mga nawalang dugo sa aking katawan na lumalabas kasama sa aking tai. Sa aktong ‘yon unti-unti akong nawalan ng ulirat, at nagkaroon ng anunsiyong code blue ang ospital para sa akin.


Top Destinations flight Deals 120x90

Sa pag-akala kong ako’y mamamatay na pakatapos kong mag-duwal, ay huli kong nasamabit sa aking asawa ang “I love you very much…” Saka ako nawalan ng malay. Kaunting segundo lang nang biglang dumilim ang aking paningin. Pakatapos ay may nakita akong maliit na liwanag. Pero, kataka-takang liwanag ito na nakikita ko habang ako’y nakapikit. Liwanag na parang nasa loob ng aking panaginip.


Best Selling Items at MacMall.com - Updated Daily

Nang magkaroon ako ng malay, muli kong nakita ang aking asawa, at ang mga Nurse at Doktor sa paligid ng kinahihigaan kong kama. Linagyan ng oxygen tube ang aking ilong, karagdagang tubo sa dati nang mga tubo ng suwero na nakakabit sa aking katawan para ako’y mabuhay.

Napapikit muli ako, sa sobrang panghihina. Nang muli akong namulat may pumasok na matangkad at balbaseradong lalaki, para magtulak ng kamang hinihigaan ko, palabas sa aking kuwarto. Habang itinutulak nitong balbaseradong lalaki ang kama ko, ay napatanong ako sa lalaki. “Are you Saint Peter? Where are you bringing me?” Hindi sumagot ang lalaki. Itinulak lang niya ako palapit sa elevator. Sabi ko sa aking sarili, “Diyos ko, kung ako’y patay na, sana’y sa langit ako dadalhin nitong si San Pedro.”

Nang bumukas ang elevator, sabi ko uli sa aking sarili, “Diyos ko, huwag naman po sa pababa, dahil impyerno ang pupuntahan ko. Gusto ko’y dalhin niya ako paitaas – sa langit…” Ipinasok niya ako sa elevator, at pinindot ang numero siyete, pataas papuntang 7th floor. Ilang saglit lang, bumukas ang elevator sa 7th floor, ang ICU o intensive care unit.


Great Savings on Cruises With Expedia!

Sa pasyenting katulad ko na ianaagaw na ang buhay, ang ICU o intensive care unit ay parang langit ng katiwasayan. Dito inaalagaan ang pasyente ng pinakamatinding atensiyon, para masagip sa nag-aabang na kamatayan. Dalawang araw akong binantayan at inalagaan sa ICU, bago ako ibalik uli sa regular na kuwarto ng pasyente.

Nang ako’y magaling na, hinanap ko ang balabaseradong lalaki, na inakala kong si San Pedro na nagdala sa akin papunta sa langit, habang nakasakay sa elevator. Subalit walang makapagturo sa akin kung nasaan ito. May nagsabi ring mga attendant na wala silang kilalang attendant na may ganoong deskripsiyon na nagtatrabaho sa ospital.


It's Finally Spring Sale! Save up to 44% on hotels

Habang nagpapalit ako ng isusuot kong baro pauwi sa bahay, tinanong ko ang aking asawa kung kilala niya ang balbaseradong lalaki na nagtulak sa aking kama papuntang 7th floor nang ako’y mawalan ng malay. Ang sagot niya, “Maliit na lalaki at walang balbas ang lalaking nagtulak sa kama mo nang araw na dinala ka sa ICU.”

Sa loob ng kotse na minamaneho ng aking anak pauwi sa bahay, napagtumpik-tumpik ko sa aking isipan, sa modernong panahon, posible na kaya ang elevator papunta sa langit?

Tags: , , , ,
Posted in Short Story | No Comments »