I am Number Four

May 28th, 2011


I am Number Four
Likhang-isip ni Ian Ryne

Mataas ang stiletto heel sa aking mga paa. Kaya’t maingat ang aking mga hakbang, habang binabagtas ko ang kahabaan ng parking lot, karga-karga ang aking mga pinamili sa Landmark-Trinoma. Maliwanag ang malawak na garahe. Pero, halos wala na’ng kotsing nakagarahe. Alas 10:00 na ng gabi, at nagsiuwian na ang mga shoppers ng Trinoma. Pero, sa labas, ang kabuuang Maynila ay katulad na rin ng New York City – gising at hindi natutulog ang gabi.

out of time 2011 300x250

Malapit na ako sa mamahalin kong kotse, nang may biglang tumusok na karayom sa likurang bahagi ng aking liig. Kamay lang na naka-gwantes at may hawak na heringgilya ang huli kong nakita, na’ng ako’y lumingon sa dakong likuran ko. Pakatapos nito, ay unti-unti na akong nawawalan ng malay, habang umiikot ang aking paligid.

Pinilit ko’ng labanan ang epekto ng gamot na pampatulog sa aking katawan. Pero, masyadong malakas ito. Bago ako bumagsak sa semento ay inalalayan na ako ng taong may hawak na heringgilya. Inalalayan niya ako patungo sa aking Mercedes Benz. “S-sino k-ka? An-nong k-kail-langan m-mo s-sa ak-kin?”

Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang susi ng kotse ko sa aking bulsa, at binuksan niya ito sa pamamagitan ng wireless control ng susi. Ipinasok niya ako sa likurang bahagi ng kotse. Saka siya naupo sa driver’s seat.

Malayo ang binagtas ng kotse namin. Palabas sa Maynila. Lupaypay man ako sa tama ng gamot na itinurok sa aking liig, pero, nalalabanan kong hindi mawalan ng malay. Gusto ko’ng tumindig mula sa aking sinasandalang upuan, ngunit hindi kaya ng aking lakas.

Sa tagal ng biyaheng tinatakbo namin, utak ko lang ang gumagana. “Bukas,” sabi ko sa aking sarili, lalabas sa mga pahayagang “Patay na si Lorna Aragon, Best Drama Actress ng Pilipinas.” Magaling talaga akong umarte at magpanggap. Kaya’t walang nakakapansin sa aking tunay na anyo, habang nagsa-shopping na nagiisa. Pero, kung may kasama ako ngayon, malamang na hindi ito mangyayari sa akin. At least, nagawa kung pumili nang walang disturbo sa shopping mall ng mga pang-regalo ko kay John Eric.

Walang anu-ano’y unti-unting nag-menor ang kotse, hanggang tuluyan na’ng pumaparada ito sa gilid ng daan. Madilim ang paligid. Tahimik. Bumaba ang misteryusong tao na kumidnap sa akin. Saka binuksan ang pintuan sa dakong likuran, kung saan ako nakasandal.

Malamig ang paligid. May hangin na galing sa ibaba ng aming pinaparadahan. Isa lang ang ibig sabihin nito. Kami ay nasa itaas ng bangin. Walang anu-ano’y binuhat niya ako sa aking sinasandalang upuan. Inilabas niya ako sa kotse, at muling ipinasok sa driver’s seat.

Microsoft Store

Habang tumatagal ay naaaninag ko na ang misteryusong tao na kumidnap sa akin. Isa rin siyang babae. Maganda rin siya. Pero, hindi tulad ko na isang artista. Kilala ko ang mga artista sa buong Pilipinas. Sa pananamit niya at mga mamahaling suot na alahas, malamang na mas mayaman siya sa akin.

Lupaypay pa rin ako sa harapan ng steering wheel ng aking kotse. Gusto kong humulagpos sa seat belt na inilagay niya sa aking katawan. Pero, wala ako’ng magawa. Sadyang malakas ang gamot na itinurok sa aking liig.

Muli kong inulit ang dati kong tanong sa kanya, “Sino ka? Ano’ng kailangan mo sa akin.” Subalit tahimik lang siya sa kanyang mga ginagawa. Mula sa kanang upuan ng driver’s seat may kinuha siyang itim na sash, katulad ng mga sash ng mga beauty queen contestants sa rampa. Bumalik siya sa akin at isinuot sa katawan ko itong itim na sash.

“I AM NUMBER FOUR,” ang nakasulat sa sash. Mula sa gumagana ko pang utak, ay naalala ko ang mga balita tungkol sa dalawang naggagandahang babae na pinatay at natagpuang may sash sa kanilang dibdib. ‘Yong unang biktima, ang nakasulat sa sash ay “I AM NUMBER ONE.” ‘Yong ikalawang biktima, ang nakasulat sa sash ay “I AM NUMBER THREE.”

Gusto ko’ng sumigaw at humingi ng tulong na’ng mapagtanto ko’ng siya’y isang serial killer, at ako ang isusunod niyang papatayin. Pero, wala akong magawa. Wala akong lakas. Maliban sa gumagana kong utak, at nakakakitang mga mata, ako’y paralisado.

Pinilit kong humulagpos sa aking seat belt. Pero, wala talaga akong lakas. Parang papel sa gaan ang aking ulo. Lupaypay ang aking katawan.

Dumikit siya sa aking harapan, para abutin ang susi ng kotse sa ilalim ng steering wheel. Saka pinaandar niya ito. Ilang sandali pa’y mag-aabante na ang kotse, at mahuhulog na ito sa bangin, kasama ako. Muli akong humulagpos sa seat belt ko. Pero, wala… wala akong lakas para kumawala sa aking upuan. “Ahhhh! Diyos ko! Patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko…” sabi ko sa aking sarili. Alam kong ilang sandali na lang ay mamatay na ako.

OneTravel.com

Walang anu-ano’y may pumaradang mga kotse sa dakong likuran ng aking kotse. Narinig ko ang sigaw ng mga lalaki, “NBI kami! Taas ang mga kamay!” Pakatapos ay narinig ko ang mga warning shots ng kanilang baril.

Walang magawa ang misteryusang babae, kundi ang tumindig sa labas ng kotse ko, at itinaas ang kanyang mga kamay.

Isang lalaki ang lumapit sa lupaypay kong katawan, at may itinurok sa aking braso. Walang anu-ano’y nanumbalik na ang lakas ko at malay. Dalawang nagagandahang babae, ang nagtulong para ako’y ibaba sa aking upuan.

“Salamat, at ligtas ka na,” sabi ng Chinese misteza sa dakong kanan ko.

“Kami ang tumawag sa mga NBI at Pulis, para iligtas ka,” paliwanag ng ikalawang babae na kasingganda ng mga artista sa Hollywood.

“Paano n’yo nalaman itong mga pangyayari?” tanong ko sa kanila, habang tinitingnan ko ang mga NBI agents na linalagyan ng posas ang mga kamay ng misteryosang babae.

“Dahil ako ang NUMBER FIVE…” sagot ng mistesang Insika.

“At ako naman ang NUMBER SIX!” dagdag ng Hollywood beauty sa kaliwa ko.

Mas lalo akong natulala sa mga sagot nila. “Ano’ng ibig sabihin ng mga numero n’yo at numerong NUMBER FOUR dito sa sash ko?”

“Kailangang bantayan at protektahan kita, dahil kung mamatay ka… ako ang susunod na papatayin nitong serial killer,” paliwanag ng Insika.

“At pakatapos niyang mamatay, ako naman ang papatayin niya…” sabi ng Hollywood beauty.

“…na may nakakabit na sash sa katawan ‘I AM NUMBER SIX,’” dagdag ko sa inagaw kong paliwanag ng Hollywood beauty.

Lito pa rin ako. Kaya’t nagalit na ako sa mga paliwanag ng dalawang babae, na hindi ko maintindihan. “SINO SIYA?!” ang pasigaw kong tanong, sabay turo ko sa misteryosang babae.

Lumingon sa akin ang naka-posas na misteryosang babae, at galit na sumigaw sa akin, “Ako si MONETTE ESCOBAR, ang NUMBER TWO o orihinal na kireda ng milyunaryo at playboy na si John Eric Garces!” Lumapit siya sa akin, habang pilit na kinakaladkad ng mga NBI agents. “Ako ang pumatay sa tunay niyang asawa, at natagpuang may sash ang bangkay na may markang ‘I AM NUMBER ONE’.”

Bago siya mailayo sa akin ng mga NBI agents, lumingon siya at sumigaw, “Ako rin ang killer ng babaing natagpuang bangkay na may sash at may markang ‘I AM NUMBER THREE.’ Kung hindi sila dumating, ikaw, NUMBER FOUR, na isa ring kerida ng mahal na mahal kong si John Eric, ang matatagpuang patay ngayong gabi!”

Humahalakhak siya na parang baliw, habang ipinapasok sa kotse ng mga NBI agents. Bago tuluyang isara ng isang NBI agent ang pinto na malapit sa kanyang kinauupuan, boses ng pagkalumbay at pagsusuko ang aking narinig sa kanya. “Ako ang NUMBER TWO ni John Eric, at ako lang ang dapat niyang mahalin… Hindi ang tunay niyang asawa, o kayong mga kireda rin niya! HA-HA-HA!”


 

Tags: , , , ,
Posted in Short Story | No Comments »

Comments

Leave a Reply

 Comment Form