Archive for May 28th, 2011

Silakbo ng Damdamin

Saturday, May 28th, 2011


Silakbo ng Damdamin
Kathang-Isip ni Jess Guim

Hindi raw dadaan ang E train sa World Trade Center subway station. Kaya’t lumipat ako sa Chambers Street station, para sumakay sa A o C train papuntang Washington Square station. Dito na ako lilipat sa F o E train pauwi ng bahay sa Jamaica Station. Ang subway system sa New York City ay komplikado’t parang nagpapatung-patong na spaghetti, kung titingnan mo sa subway map. Kaya’t kahit halos magdadalawampo’ng taon na ako dito sa New York City, hindi ko kinakalimutang magdala palagi ng subway map, para sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan katulad ngayon.

Madalang ang dating ng mga tren sa Chambers Street Station na hinihintayan ko. Maaga pa ang hapon para sa rush hour. Mahangin sa labas ng estasyon, kaya’t medyo mapresko sa ilalim ng subway station. Tiningnan ko ang aking orasan sa bago ko’ng iPhone. Alas-tres pa lang ng hapon. Walang anu-ano’y may dumamping kamay sa kanang balikat ko.


“Juancho?…” Boses ng babae ang narinig ko, pakatapos ng dampi ng palad sa aking balikat. Malamyos na may halong sigla ang boses. Nang lingunin ko siya, isang magandang mag-lilimampu ang edad na babae ang aking nasilayan. Busilak sa kaputian ang kanyang mukha. Lalong pinagyaman ng nunal sa kaliwang itaas ng kanyang labi ang kanyang kagandahan.

“Sorry, Ma’m…But, I’m not Juancho… Can I help you?” Sagot ko sa kanya sa wikang English. Hindi pa ako sigurado kung siya’y Pinay. Bagama’t sa hugis ng kanyang ilong at mga mata, may suspetsa na akong siya’y isa ring kababayan. “I’m Nick… Are you a Filipina?”

“I’m sorry… But y-yes, yes, Filipina ako!” May halong pagkahiya at pagkalumbay ang nakita ko sa kanyang mukha, nang sabihin ko’ng Nick ang aking pangalan. “Akala ko, ikaw ang dati ko’ng kakilala sa Pilipinas. Ako nga pala si Tess. Maritess Castillo. Taga-Laguna. Ikaw, saan ka sa atin?”

“Nick, Nick Clemente po. Taga-Maynila.” Sagot ko sa kanya, sabay abot ng kanyang kanang palad.


no one deals like we do!

Sa loob ng A train, dito ko nalaman na si Juancho ay dating kasintahan ni Tess sa Laguna. Aksidenting namatay siya nang siya’y makaaway ng nakababata niyang kapatid na lalaki sa sobrang selos, na hindi raw ito nabibiyayaan ng tulong niya. Samantalang ito’ng si Juancho ay nabilhan na niya ng bagong pampasaherong jeepney. Sa sobrang takot niya sa kapatid, siya ay nagtago hanggang naisipan niyang tuluyan nang lumayo papunta dito sa Amerika. Naubos ang kanyang baon sa pagtatago, hanggang napilitang mag-babysitter na lang para mabuhay sa New York City.

Humagulhol siya matapos ikuwento ang kanyang mga nakaraan sa Pilipinas, at nakiusap na siya’y samahan sa kanyang uuwian malapit sa Roosevelt subway station. Lumipat kami sa F train pagdating sa Washington Square station. Hindi na ako nagdalawang-isip na sabayan siyang makauwi sa kanyang apartment, malapit sa Roosevelt subway station. Natakot ako na may masamang mangyari sa kanya, sa sobrang pagdamdam sa kanyang mga isinalaysay sa akin.

Ang Roosevelt subway station o Jackson Heights ay lugar na pinagkukumpulan ng mga Pinoy, dahil narito ang PNB remittance center, mga kompanya sa cargo shipping ng mga Balikbayan box, mga kainang-Pinoy, at mga Karaoke club sa gabi. Darating ang araw ito ang magiging Pinoytown, katulad ng Chinatown sa downtown Manhattan.


Fly Roundtrip for $199 or Less on CheapOair

Madaling makadaupang-palad si Tess. Sa edad ko’ng 52, hindi siya mahirap pakisamahan sa kanyang mga kuwento ukol sa buhay. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya. Ang akala pa nga niya, nasa kuwarenta anyos lang ang edad ko. Pinabata daw ng bigote ko ang aking anyo. Sabi ko naman, mas babata pa nga siguro ang anyo ko, kung aahitin ko ang aking bigote. Kaso, ‘yon ang gusto ng asawa ko – ang may bigote.

“H’wag! H’wag mong aahitin ang ‘yong bigote. Bagay sa’yo. Ha-ha-ha!” Humahalakhak na siya, nang kami’y papalabas sa Roosevelt subway station. Habang tumatagal ko’ng pinagmamasdan si Tess, nagagandahan na rin ako sa kanya. May pagkahawig ang mukha niya kay Lorna Tolentino. Sa kanang itaas ng labi ang nunal nitong artista na matagal ko na ring sinasamba ang kagandahan.

Isang maliit at lumang apartment ang tirahan ni Tess, hindi kalayuan sa subway station. Nasa ikalawang palapag ito ng gusali na may tatlumpong apartment mula sa ibaba hangang ikatlong palapag. Sa bintana ng kanyang maliit na receiving room ay makikita mo ang Brooklyn-Queens highway. Medyo maingay ang lugar na ito, dahil sa mga rumaragasang kotse sa higanteng lansangan na ito.

“Feel at home ka lang diyan, ha? Mag-inom ka ng pampagana sa pagkain. Iluluto kita ng adobo at pansit.” Inilatag niya sa center table ang isang maliit na Chivas Regal at dalawang basong may yelo.

“Huwag na! It’s almost five. Uuwi na rin ako’t ipagluluto ko rin ang aking asawa, bago siya dumating galing sa trabaho.”

“E, ‘di ibabalot ko na rin ng adobo’t pansit ang asawa mo, para hindi ka na mag-abalang magluto pag-uwi mo.” Lumagok muna siya ng Chivas sa kanyang basong may yelo. Matagal na ring hindi naiinitan ng alak ang aking lalamunan. Kaya’t sinabayan ko na rin ang kanyang alok na mag-inom ng alak. Mainit sa lalamunan ang daloy ng whiskey. Pero, sinundan ko pa ito ng ilang lagok, bago tuluyan nang pinagpawisan ako.

“Ah, nakalimutan ko’ng magpalit ng damit. Diyan ka lang, at magluluto na ako, pakatapos ko’ng magpalit.” Nabuhusan ng alak ang kanyang baro, habang iniinom niya ang pangalawang lagok ng Chivas. Pumasok siya sa kanyang silid-tulugan, dala-dala ang basong may laman pa ng alak.


It's Finally Spring Sale! Save up to 44% on hotels

Hindi niya isinara ang pintuan nang siya’y pumasok sa kanyang silid-tulugan. Nakasanayan na marahil niya ito, dahil siya’y nag-iisa lang sa apartment. Mula sa giwang ng pinto ay kitang-kita ko ang kanyang paghubad. Mala-diyosa sa kaputian ang buo niyang katawan na tinatamaan ng liwanag ng bombelya sa kuwarto. Sa edad na singkuwenta, hindi ako makapaniwala sa ganda ng hugis ng kanyang katawan. Hinaplos ko ng aking palad ang aking mga mata. Gusto ko’ng takpan ang mga ito. Pero, hindi ko mapigilang pagmasdan muli ang kanyang hubad na katawan. Yumuko ako, at tinakpan muli ng palad ang aking mga mata. Walang anu-ano, may bumagsak at nabasag na bagay sa loob ng kuwarto niya. “AY!” Sigaw niya.

Napabuhat akong bigla, at tumakbo sa loob ng kanyang kuwarto. Basag na baso ng alak ang nadatnan ko sa sahig. “Nakabig ko siya sa kanyang kinalagyan kanina,” ang sabi ni Tess, sabay takip ng kanyang dibdib gamit ang kanyang barong pambahay.

“Okay ka ba?” tanong ko sa kanya. Mas lalong tumingkad ang kanyang kabuuang hubad na kagandahan sa malapitan – kagandahang lalong nagpainit sa silakbo ng aking damdamin. Tumalikod ako sa hiya.


Top Destinations flight Deals 120x90

“H’wag… please don’t leave me alone…” pakiusap niya, habang yinayakap niya ako mula sa aking likuran. Hubo’t hubad na siya. Wala na ang barong pambahay na kanyang itinakip sa kanyang dibdib. Kitang-kita ko ito mula sa repleksiyon ng salamin sa dresser na kaharap ko. Sa tama ng alak na aking nainom, ay hindi ko napigilang harapin siya at yakapin na rin ang mainit niyang katawan.

Parang ahas na linilingkis niya ako, habang hinuhubad ko ang aking mga saplot sa aking katawan. Nang hubad na hubad na rin ako, ay mas lalong uminit ang aking katawan nang magdampi ang parehong umaalab naming mga katawan. Bumagsak kaming naglilingkisan sa kama.

Habang binibiyahe ko ang aking mga kamay sa kanyang hubad at makinis na katawan, hindi ako makapaniwalang ito’y parang katawan ng dalagang beynte anyos. Nang itusok ko ang tangi kong yaman sa kanyang paraiso, ay nabigla ako sa pag-sigaw niya ng “Aray!” Sa edad na 40, siya’y isang birhen.

Saglit lang ang matinding pag-aalab na ‘yon sa aming mga katawan. Ang sambulat ng damdaming marupok, ay nagbalik sa pagkamulat na kami ay mga tao lamang.


Best Selling Items at MacMall.com - Updated Daily

Nagkuwentuhan muna kami sa kama. Dito ko nalaman na siya nga’y ni minsan hindi nakipagtalik sa lalaki, mula nang mamatay si Juancho. “Nang mga oras na kami’y palihim na magtatalik na sana, saka naman dumating ang kapatid kong lalaki. Nag-away sila, at aksidenting namatay si Juancho, nang bumagok ang kanyang ulo sa semento.”

Yinakap niyang muli ako. “Napatunayang aksidente lang ang nangyari kay Juancho, at selos-kapatid, lang ang galit ng aking kapatid sa aking kasintahan. Kaya’t hindi niya sinadyang patayin ito.”

Napaluha siya nang idampi niya ang kanyang mukha sa aking dibdib. “Salamat sa maikling saglit na kaligayahang ibinigay mo sa akin. Apat na buwan na lang ang taning ng buhay ko, ayon sa espesyalista sa Kanser. Malalang cancer of the breast ang sakit ko, at nalaman ko lang ito nang nakaraang linggo. Dalawa pang espesyalista ang pinuntahan ko, para ikomperma ito. Parepareho sila ng findings. Kaya’t bukas ay parehong tatanggalin sa ospital itong mga dibdib ko…”

“Oh, my God! ” Nabigla ako sa kanyang pagsasawalat. Yinakap ko siya, at hinalikang muli. Pinahid ko ng aking daliri ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. “Hayaan mo’t aalagan kita sa pagpapa-opera mo. I want you to live longer after your chemotherapy.”

Akala ko’y ‘sang-iglap lang at matatapos na ang kahibangang dulot ng sambulat ng aking damdamin. Ewan ko kung maka-Diyos itong gagawin ko kay Tess, o isang pagkakasala na dapat ko nang wakasan agad. Pero, siya’y nag-iisa, at nangangailangan ng kapiling sa huling hibla ng kanyang buhay.


 

Tags: , , , ,
Posted in Short Story | No Comments »